Inirereklamo ngayon ng ilang mga residente nakatira katabi ng isang estero sa lungsod ng Maynila ang umano’y perwisyong dulot ng bagong ‘pumping station’ na itinayo sa kanilang lugar.
Nadatnan sa pagbisita ng buong pwersa ng Bombo Radyo Philippines ang flood control project na pumping station sa bahagi ng Pedro Gil St, Barangay 812, Estero de Tripa De Gallina.
Pasumbong ibinahagi ni Annaliza Junsay, residente ng Barangay 812, Maynila ang perwisyo umanong flood control project.
Sa may di’ kalayuan lamang kasi ay magkusunod na makikita kaagad ang isa pang panibagong pumping station itinayo ng Department of Public Works and Highways DPWH.
“Oo, kasi pinetisyon namin yan eh. Kasi meron na dito, kumbaga sa 600 square meter bakit tatlo na ang pumping station na kinabit?,” ani Annaliza Junsay, residente.
Giit pa niya’y hindi raw ito hustong nagagamit mula ng maitayo lalo na kapag may mga basurang inaanod sa naturang estero.
Habang ani naman ni Punong Barangay Don Hally Miguel, hinihintay pa nilang bumisita muli ang Department of Public Works and Highways sa kanilang lugar.
Samantala ayon kay Engineer Montrexis Tamayo, Assistant Regional Director ng kagawaran para sa National Capital Region, ipinauubaya na lamang anila sa lokal na pamahalaan ang pagpapaliwanag kung bakit kinakailangan magtayo ng katulad na pumping station kabahagi ng flood control project.
Nagkakahalaga ang naturang proyekto ng higit 90-milyon Piso na bigong makita sa listahan ng inilunsad na sumbong sa pangulo.ph sa kasalukuyan.