Ikinatuwa ng Department of Information and Communications Technology ang tuluyang napasabatas ng Konektadong Pinoy Act.
Awtomatiko kasi itong naging isang ganap ng batas nitong nakaraan na siyang ikinalugod ng naturang kagawaran.
Kung saan layon sa panibagong batas na Konektadong Pinoy Act na masegurong magkaroon ng maasahang internet para sa bawat Pilipino.
Ayon kay DICT Secretary Henry Rhoel Aguda, hindi lamang aniya ito patungkol sa pagpapatayo ng mga networks kundi upang magbukas pa ng oportunidad sa publiko.
Dahil rito, kanyang idinagdag na kadyat magpupulong ang mga stakeholders para buuin ang draft ng Implementing Rules and Regulations o IRR na dapat maisapinal sa loob lamang ng 90-araw.
Habang ani pa Secretary Aguda, asahan sa panibagong batas na maisakatuparan ang mas maayos na edukasyon, paglago ng e-commerce, maganda serbisyo ng gobyerno at pagpapabuti ng mga komunidad.
“The Konektadong Pinoy Act is not just about building networks; it’s about building opportunities for every Filipino,” ani DICT Secretary Henry Aguda.