Magsasagawa ng tatlong oras na closed-door hearing bukas ang isang Korte (Lunes sa Pilipinas), Hulyo 21, mula alas-2:00 ng hapon hanggang ala-5:00 ng hapon ukol sa mga criminal cases laban kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Ang nasabing hearing ay bahagi ng cross-examination phase ng paglilitis, kung saan dalawang beses kada linggo humaharap sa korte si Netanyahu.
Nabatid na ang isasagawang closed door hearing ay para protektahan ang seguridad ng bansa dahil sangkot umano si Milchan sa ilang sensitibong operasyon sa Israel.
Magugunitang ilang pagdinig ang nakansela nitong mga nakaraang linggo dahil sa tensiyon sa Iran at sa diplomatics na biyahe ng Prime Minister sa Estados Unidos.
Umabot sa 1,000 ang kaso na kasalukuyang tinututukan ng prosekusyon, mula sa mga pangalan nina Netanyahu at Hollywood billionaire Arnon Milchan.
Matatandaan na inakusahan si Netanyahu ng ‘favoritism’ sa pamamagitan ng pagsusulong ng batas na kapaki-pakinabang kay Milchan habang tumatanggap umano ng mamahaling regalo gaya ng cigar at champagne mula sa kanya.