Reading Time: 1 minute

BUTUAN CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya ng Surigao City, lalawigan ng Surigao del Norte, sa naganap na pananambang sa mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) kaninang alas-8:00 ng umaga.

Ayon kay Pol. Lt. Col. Rhandy Amaro, hepe ng Surigao City Police Station, dead on the spot si Felixberto Loayon matapos barilin ng hindi pa kilalang mga responsable.

Patuloy namang ginagamot ang kanyang mga kasamahang sina Rene Sinangute at Frede Freddiewabina matapos ang insidente sa Sitio Dacuman, Barangay Ipil ng nasabing lungsod.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na papunta na sana ang mga biktima sa LTO-Surigao nang tambangan ng ‘di pa malamang bilang ng mga suspek.

Sa ngayon ay inalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen.