Lumagda ng Pilipinas at South Korea ng tatlong kasunduang inaasahang lalo pang magpapalakas sa relasyon ng dalawang bansa.

Ang tatlong pinirmahang agreement ay may kinalaman sa social security, tourism cooperation at  kasunduay kaugnay sa kalakalan o trade.

Dalawang Memorandum of Understanding (MOU) din ang nilagdaan bilang sidelights ng bilateral agreement nina Pangulong Rodrigo Duterte at South Korean President Moon Jae-in.

May kinalaman sa sa education at fisheries ang MOU.

Sinaksihan nina Pangulong Duterte at President Moon ang signing of agreement na isinagawa pagkatapos ng kanilang bilateral meeting kasama ang ilang miyembro ng gabinete.