-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Aminado ang isa sa mga finalist ng Bombo Music Festival (BMF) 2020 mula sa Albay na may mga kinakaharap itong mga pagsubok sa gitna ng papalapit na finals night.

Subalit ayon kay Eugenio Corpuz III, composer ng kantang “Run” sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ini-enjoy na lamang niya ang pagkakataon na muling mapabilang sa mga magtatanghal para sa BMF 2020.

Dagdag pa nito na kahanga-hanga ang mga pagbabago ngayong taon sa kompetisyon kung ikokompara noong 2019 kung saan mas nakatutok sa technicality ng musika at nag-level up din sa iba pang aspeto.

Ayon kay Eugenio, hindi na iniisip ng 12 finalists na kompetisyon ang kanilang sinalihan dahil naging malapit na rin sila sa isa’t isa.

Sigurado rin aniya na mahihirapan ang mga hurado dahil sa galing ng mga kalahok kasabay ng pagpuri sa talento ng mga composers.

Nabatid na nasa Iloilo na ang ilan sa mga kamag-anak ni Eugenio para sa finals night sa Sabado, Enero 11, habang nakatutok naman ang ibang mga tagasuporta sa online voting.