BUTUAN CITY – Na-discharge na mula sa Caraga Regional Hospital sa Surigao City ang pangalawang COVID-19 positive nitong rehiyon sa p amamagitan ng isang 65-anyos nga lalaking Butuanon.

Kinumpirma ito ni Ma. Cecilia Bayana – tagapagsalita ng nasabing ospital matapos itong magnegatibo sa pang-anim na niyang swab follow-up test.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng opisyal na ang pagka-fighter ng nasabing pasyente ang dahilan ng kanyang pagkarekober at sa kanyang pag-uwi ay pinayuhan pa rin siyang mag-home quarantine o i-isolate ang sarili upang hindi mahahawaan pa ang kanyang pamilya.

Naging emosyunal pa ang pagpapa-discharge sa nasabing pasyente na ginawan pa nila ng tribute video.

Sa ngayo’y inihanda na rin nila ang nasabing ospital para sa posibleng iba pang COVID-19 patient na madadala na pa, na kanila namang sunod na aalagaan.