Screenshot 2019 07 08 12 31 43
Indonesia
-- Advertisements --

Nasa 27 katao ang nasawi ng mahulog ang bus sa bangin sa Java, Indonesia.

Karamihang mga biktima ay bata kasama ang kanilang mga magulang.

Ayon sa transportation ministry, patungo sa isang field trip ang mga junior high school student ng biglang nawalan ng kontrol ang bus sa lungsod ng Sumedang sa West Java province at ito ay nahulog.

Mayroon namang 39 na katao ang nakaligtas sa insidente at dinala na sila sa pagamutan.