PNP GRO
Rescued girls

Na-rescue ng mga kasapi ng Makati City PNP ang nasa 25 kababaihan sa isang prostitution den.

Pinangunahan ni Makati Police Investigation Unit chief Major Gideon Ines Jr ang operation sa Edision Cafe sa Morse St. , Barangay San Isidro ang operation.

Sinabi nito na nagpanggap ang ilang kapulisan nito na customer at ng magpositibo ang operation ay agad nilang nilusob ang lugar.

Ang kalakaran sa nasabing lugar ay pipili ang isang customer at babayaran ang babaeng kukunin at ilalabas.

Kabilang sa naaresto ang ilang bugaw at caretaker sa lugar na kasama sa sasampahan ng kaso.

Ipapasuri pa ng PNP ang mga kababaihan kung may mga menor-de-edad sa mga naaresto at kanila itong ipapasakamay sa Department of Social Welfare and Development office.