DAVAO CITY – Patay ang 24-anyos na lalaki sa isinagawang buy bust operation sa mga operatiba ng Sta. Ana PNP nitong lungsod.

Nakilala ang suspek na si Bernabe Alison, residente ng Purok. Sta.Cruz, Brgy. Leon Garcia, Agdao sa lungsod.

-- Advertisement --

Una nang nagsagawa ang otoridad ng buy bust operation sa Belisario Street, Brgy. San Antonio Agdao kung saan habang isinagawa ang transaksiyon, nagpakilala ang poseur-buyer na miyembro ng otoridad dahilan agad na bumunot ng kanyang armas ang suspek.

Alerto naman ang kapulisan kung saan naunahan nila ang suspek at nabaril sa kanyang dibdib na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Isinugod pa ang suspek sa Southern Philippines Medical Center ang suspek ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene ang .38 revolver at mga bala pati na ang mga 12 mga pakete ng iligal na droga at cellphone ng suspek.

Matagal na umanong minamanmanan ng otoridad si Alison bago isinagawa ang operasyon laban sa kanya.