Aabot na sa 203 na mga Filipino ang nasa ibang bansa ang nadapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) umabot na rin sa tatlo ang nasawi matapos dapuan ng virus.

Ang mga ito ay nakabase sa 26 na bansa kung saan 115 sa Asia-Pacific, 43 sa Europe, 23 sa Middle East at 27 sa Americas.

Dagdag pa ng DFA na 93 dito ay nagpapagaling na habang 107 ay gumaling na at nakalabas na sa pagamutan.

Hindi naman binanggit pa ng DFA kung saang eksaktong bansa ang kinaroroonan ng iba pang mga nahawa ng deadly virus.