-- Advertisements --

Susunod na gaganapin ang FIFA World cup sa 2026 kung saan magiging host ang US, Canada at Mexico.

Ito ang unang pagkakataon na maganap sa tatlong lugar ang nasabing torneo kung saan pangalawang beses na naging host ang US at pangatlong beses ang Mexico.

Sa nasabing torneo ay mayroong 48 na koponan at maglalaban-laban ang 16 groups na bawat grupo ay mayroong tatlong koponan.

Ang dalawang pangunahin kopona sa bawat grupo ay aabanse sa 32-team knockout phase sa single elimination.

Mayroong kabuuang 80 laro na mas maraming 16 na laro kumpara sa FIFA World Cup sa Qatar na mayroon lamang 64.

Lalaruin sa US ang 60 matches habang ang natitirang 20 laro ay paghahatian ng Mexico at Canada.

Mayroong 11 lungsod sa US kung saan gaganapin ang mga laro ito ay sa Atlanta, Boston, Dallas, Houston, Kansas City, Los Angeles, Miami, New York, Philadelphia, San Francisco at Seattle.

Habang mayroong tatlong laro sa Mexico City, Guadalajara at Monterrey at dalawa sa Canada isa sa Toronto at Vancouver.