-- Advertisements --

Ipinagdiwang nina Diana Zubiri at Andy Smith ang kanilang ika-10 anibersaryo ng kasal sa pamamagitan ng isang renewal of vows ceremony.

Sa Instagram post ng florist at event stylist na si Badang Rueda, ibinahagi ang ilang larawan mula sa espesyal na okasyon na may caption na “Mr & Mrs Smith #RenewalofVows #10thyearanniversary.” Muli rin itong ibinahagi ni Diana sa kanyang sariling Instagram account.

Nakasuot si Diana ng eleganteng white mermaid-style gown na may detalyadong beadwork, habang naka-beige suit naman si Andy na may puting boutonnière.

Nagpakasal ang dalawa noong 2015. Mayroon silang dalawang anak na babae—si Aliyah na isinilang noong 2016 at si Amira noong 2020. May isa ring anak na lalaki si Diana, si King, mula sa yumaong dating asawang si Alex Lopez.