Nahuli ng mga awtoridad sa isang checkpoint sa Barangay Lutao, Bacong, Negros Oriental ang lalaking pinaniniwalaang sangkot sa vote-buying matapos matagpuan ang mga sobre na may lamang salapi at sample ballots, ilang araw bago ang halalan.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), natagpuan ang mga pera ng P100 at P500 na nakaayos sa mga sobre, dahilan upang pagdudahan ang posibleng insidente ng vote-buying.
Bagama’t agad pinakawalan ang lalaki, sinabi ng mga awtoridad na isusumite pa ang reklamo sa Kontra Bigay committee ng Commission on Elections (Comelec).
Samantala, puspusan na rin ang paghahanda ng mga poll watchers at guro para sa eleksyon sa Lunes. Nai-turn over na ang official ballots at automated counting machines nitong Linggo, habang ang mga materyales ay inihatid sa mga isla sa tulong ng bangka at may kasamang mga opisyal, pulis, at coast guard.
Para sa mga liblib na lugar, dump trucks ang ginamit sa paghahatid ng kagamitan, na sinamahan ng mga sundalo para sa seguridad.