-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinawi ng Commission on Elections (Comelec 10) ang pangamba ng publiko na maaring magka-problema ang gagamitin na Automated Counting Machines (ACMs) sa halalan sa buong bansa sa Mayo 12.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Comelec 10 regional director Atty. Renato Magbutay na nasa 98 porsyento ang katiyakan na gagana ang ACMs na gagamitin sa eleksyon ng higit tatlong milyong botante na nakabase sa Northern Mindanao region.

Sinabi ni Magbutay na nasa 95 porsyento na ring handa ang buong rehiyon kasama ang lahat ng deputized government agencies kabilang ang pulisya,militarya at ibang security forces ng estado.

Magugugnitang sa isinagawa na final testing at sealing ng ACMS, manageable technicalities lang ang naranasan ng Board of Elections Inspectors kaya nasabi ng poll body na halos daang porsyentong aandar at gagana ang mga makina na gagamitin sa 2025 midterm elections sa darating na Lunes.