Aabot sa 20 katao ang patay at marami ang nasugatan sa naganap na pagsabog sa isang palengke sa Quetta City, Pakistan.

Sinabi ni Quetta’s Deputy Inspector General of Police Razzaq Cheema, na naganap ang atake sa lugar ng mga Hazara Shia Muslim minority.

Inako naman ng Sunni Muslim militant group ang nasabing insidente.

Agad nama na kinodina ni Pakistani Prime Minister Imran Khan ang pangyayari at ipinaabot ang paggaling ng mga nasugatang biktima.