-- Advertisements --

Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipinos na maging maingat sa pagtaas ng tensiyon sa pagitan ng India at Pakistan.

Ayon sa DFA na sa kanilang monitoring ay wala pang mga Pinoy na nadadamay sa kaguluhan.

Sinabi ni Foreign Affairs spokesperson Teresita Daza , na kanilang pinayuhan ang mga Pinoy doon na maging vigilant.

Mahigpit din ang kanilang ginagawang monitoring at pakikpag-ugnayan sa mga konsulada na nakabase sa nasabing mga bansa.