Reading Time: 1 minute
lomachenko campbell

Kapwa kondisyong kondisyon na ang magkaribal na sina three-division champion Vasiliy Lomachenko at challenger Luke Campbell kaugnay ng kanilang sold out fight na magaganap sa O2 Arena sa London, England.

Sumailaim na ang mga ito sa 14-day weight-in batay na rin sa kautusan ng World Boxing Council (WBC).

Nakataya sa banggaan ng dalawa ng isa sa tatlong mga boxing championship belt na mangyayari sa August 31.

Ang Ukranian na two-time Olympic Gold medal medalist na si Lomachenko (13-1, 10KO) ay tumimbang sa 137.1 pounds habang si Campbell, (20-2, 13KOs), ay opisyal na may bigat na 141.7 pounds, mas mababa pa rin sa 142 pound safety check limit.

Sinasabing kayang-kaya naman daw nina Lomachenko at Campbell na maabot ang 135-pound contracted fight limit sa fight day.

Nakatakdang isagawa ang final safety weight check sa darating na August 23 kung saan inaasahan na ang dalawa ay nasa 3% ng lightweight maximum o 139 pounds.