-- Advertisements --

Abanse na sa main draw ng Nottingham Open sa England si Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos na talunin niya si Anca Todoni ng Romania sa score na 6-3, 7-6(4), 6-3.

Tumagal ng dalawang oras at 19 minuto ang laro ng ranked 77 na si Eala laban sa ranked 87 na si Todoni.

Magugunitang sa unang round ay tinalo na rin ni Eala si Vivara Gracheva.