-- Advertisements --
Humakot ng maraming katao ang performance ng singer na si Alanis Morissette sa Glastonbury festival sa England.
Sa kaniyan performance sa Pyramid Stage ay hindi magkandagaga ang mga taong nanood.
Kinanta nito ang mga hitsongs niya gaya ng “Hand In My Pocket”,” Right Through You” at mga ibang kanta mula sa record breaking na album niyang “Jagged Little Pill”.
Pinasalamatan nito ang mga audience at hindi niya akalain na magiging ganung kainit ang pagtanggap sa kaniya.
Ang Glastonbury festival ay limang araw na ipinagdiriwang sa England kung saan maraming mga artista at singers ang nagbibigay saya sa mga dumadalo.