Pumanaw na ang British actor na si Tim Curry sa edad na 80.
Sinabi ng publicist na si Sean Katz na namayapa ang aktor sa kaniyang bahay sa Toluca Lake, Los Angeles.
Nirespondehan ng kapulisan ang tawag sa kanila na may nakitang walang buhay na lalaki sa kaniyang bahay.
Kinumpirma ng Los Angeles Fire Department na kanilang sinubukan bigyan ng medical attention ang biktima subalit hindi na nila ito na nailigtas pa.
Hindi naman na binanggit ng mga otoridad ang sanhi ng kamatayan ng aktor subalit noong 2012 ay nakaranas ito ng major stroke at mula noon ay ilang taon na nagkaproblema sa kaniyang kalusugan.
Nakilala siya pelikulang “Rocky Horror” noong 1975 ganun ang fantasy film na “Legend”.
Pagdating dekada 90 ay mas nakilala ito sa pagganap bilang demonic clown na “IT”.
Si Timothy James Curry ay isinilang noong Abril 19, 1946 sa Grappenhall, England kung saan ang kaniyang ama ay chaplain sa Royal Navy.
Noong ito ay 12-anyos ay pumanaw ang kaniyang ama matapos mai-strok it.
Lumipat sila sa London kung saan nagpasya si Curry na maging aktor kung saan nakatanggap ito ng college degree sa teatro noong 1968.
Ang unang role niya ay sa production ng “Hair” at matapos nito ay sunod-sunod na ang alok sa kaniya sa pelikula.
















