Nakatakdang sumabak sa European Championships sa susunod na buwan si Swedish pole vault star Armand “Mondo” Duplantis.
Kinumpirma ito ng kaniyang agent na si Daniel Wessfeldt matapos ang pag-atras ng 26-anyos mula sa Diamond League sa London noong nakaraang linggo matapos na magtamo ng injury sa kaniyang kaliwang hita noong maabot ang 5.95 meters.
Dagdag pa ni Wessfeldt na wala ng mga anumang injury na nadarama na si Duplantis kaya handa na ito para sa nasabing torneo.
Ang doubl Olympic at triple world champion ay nakabasag ng world record ng 15 beses una ay noong 6.17 meters sa taong 2020 at ang huli ay noong makamit ang 6.31 meters sa Sweden noong buwan ng Marso.
Gaganapin ang European championship sa Birmingham City sa England mula Agosto 10 hanggang 16.
















