PNP Cordillera
PNP Cordillera/ FB image

BAGUIO CITY – Pinapurihan ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang kasapi nila na nasawi dahil sa pakikipaglaban sa grupo ng New People’s Army (NPA).

Naigawad ang papuri nitong Lunes kasabay ng pagdiriwang sa National Heroes Day sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet

Kinilala ng Police Regional Office-Cordillera (PROCor) ang nagawang kabayanihan nina S/Sgt. Marloun Casil na nasawi sa labanan na nagan sa Tadian, Mountain Province at si Cpl. Wilfredo Padawil na nasawi naman sa Bauko, Mountain Province.

Police Brigadier General Israel Ephraim Dickson
P/Brig. Gen. Israel Ephraim Dickson/ FB image

Ayon kay Brig. Gen. Israel Ephraim Dickson, regional director ng PROCor, nabigyan ng token at financial assistance ang pamilya ng mga namatay na pulis.