Pinoy Hawaii arrested

LAOAG CITY – Arestado ang dalawang senior citizen na may dugong Pilipino dahil sa iligal na droga sa Big Island, Hawaii.

Sa report ni Bombo international correspondent Manny Pascua, nakilala ang mga suspekz na sina Cecilio Asuncion, 72, at si Edward Asuncion, 64.

Nahuli ang dalawang senior citizens dahil sa pagbebenta at pagmamay-ari ng iligal na droga sa pamamagitan ng operasyon ng mga otoridad.

Ipinataw ang kaukulang piyansa sa dalawang suspek matapos silang mahuli.

Dagdag na ulat ni Pascua, mayroong mga tao na gustong agad yumaman dahilan upang gawin nila ang pagbebenta ng iligal na droga.