CAGAYAN DE ORO CITY – Puno ng galit ang aabot sa 50 pasahero nang biglang tumaob ang kanilang sinakyang cargo truck sa national highway ng Brgy Tigkalaan, Talakag Bukidnon.

Ayon kay Police Capt. Dominador Orate Jr, hepe ng Talakag Municipal Police Station, dalawang senior citizens ang namatay sa nasabing insidente at umabot sa 47 ang nadala sa ospital dahil sa mga head injuries, pagkabali ng paa, kamay at mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Kinilala ang mga namatay na sina Manuel Alforque Jr, 74 anyos at Bonifacia Abut, 76 anyos, kapwa resident ng nasabing lugar.

Patungo pa sana sa isang fellowship ng simbahang Spirit of the Truth ang mga nakasakay sa truck, nang biglang gumiwang at tumaob ang kanilang sinakyang trak.

Kaagad, tumakas ang driver ng truck na si Michael Abanacion, 24 anyos residente ng nasabing lugar.

Narito ang mga pangalan ng mga sugatang biktima:

Grace Mary Mabaylan, 20
Nicuy Beltran, 30
George Mabaylan, 31
Aileen Aguray, 36
Rosa Neri, 39
Benjoe Flores, 40
Erico Dobugan, 46
Ronnie Ubaob, 48
Piercy Abot, 51
Rolando Abot, 52
Emerson Ubaob,53
Ruby Neri, 60
Ricardo Abaliawion, 70,
Dodima Mabaylan, 74

Narito naman ang mga sugatang minor de edad:
Arzaneth Abello, 4
Benny Prito, 5
Ian Rey Yamado, 6
Althea Jade Baba, 6
Gilbert Mabaylan, 7
Udarfreuyeslter Guilay, 7
Charisse Ubaob, 8
Pinky Joy Abot, 8,
Emerson Ubaob, 10
John Paul Mabaylan,11
Rea Mae Mabaylan, 11
Windenn Neri, 11
Ashley Guilay,12
Travis Abot, 12
Girlene Guilay, 14
John Carlo Neri,15
Christian Neri, 15
Mariam Doongan, 16
Kimberly Mabaylan, 17,

Silang lahat ay residente ng nasabing lungsod.