Patay ang dalawang katao habang sugatan ang 14 na iba pa sa salpukan ng pampasaherong jeep at 10-wheeler truck sa Quezon City kaninang hatinggabi.

Dead on spot ang isang pasaherong lalaki habang sa pagamutan namatay ang isa pang lalaking pasahero.

Sinabi ni Staff Sgt. Andy Sotto ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector, na patungong Novaliches ang jeep na minamaneho ni Lewelyn Jaud.

Habang ito ay nag-u-uturn sa sa Mindanao Avenue, ay bigla na lamang itong binangga ng truck na minamaneho ni Herjun Panero.

Inamin ng pahinante na inaantok ang kaniyang driver kaya hindi na napansin ang trak.