Ambulansyang nahulog sa Baguio
Ambulansiyang nahulog

BAGUIO CITY – Nasawi ang dalawang indibidwal habang sugatan din ang tatlong kasama ng mga ito na pawang taga-Hapao, Hungduan, Ifugao matapos mahulog ang sinasakyan nilang ambulansiya ng Hungduan Municipal Hospital sa Talubin, Bontoc, Mountain Province kaninang umaga.

Batay sa report ti Bontoc Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, pauwi sa Hungduan, Ifugao ang nasabing ambulansiya lulan ang limang indibidwal mula sa Luis Hora Regional Memorial Hospital ng Bontoc, Mountain Province.

-- Advertisement --

Gayunman, nahulog ang ambulansiya sa bangin habang binabaybay nito ang kalsada.

Dahil sa insidente, idineklara ni Bontoc Municipal Health Officer Dr. Diga Gomez na dead at accident site ang mga biktimang sina Earole Kurt Akiate, 21 at Franklin Angawa, 37 driver ng ambulansiya.

Itinakbo naman sa ospital sina Rexton Abluyen Duyapat, 20; Nelda Joy Angawa Tapyugon, 23, social worker ng Hungduan Municipal Hospital at Anabelle Attang, 32, nursing attendant ng Hungduan Municipal Hospital.

Nagsagawa din ng cleansing ritual ang mga residente at opisyal ng Mountain Province matapos ang aksidente.