Dalawang pari ng simbahang katolika ang kabilang sa pumasa sa 2019 Bar exam.
Ayon sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) kinilala ang mga ito na sina Father Victor De Guzman ng Diocese ng San Fernando de La Union at Salesian Fr. Abundio Bacatan na nakatalaga sa Don Bosco Dumangas sa Iloilo.
Wala munang parish assisgnment si Fr. De Guzman matapos na nag-study leave ito dahil sa Bar Exam habang si Bacatan ay siyang magiging Filipino Salesian civil lawyer.
Bago kasi naitalaga si Bacatan sa Don Bosco ay naging administrator ito sa Don Bosco Technical College sa Labangon, Cebu City.
Magugunitang mayroong 2,103 na law graduates ang pumasa sa 2019 Bar examinations na pinangunahan ito ni UST-Legazpi graduate Mae Diane Azores.
Noong 2017 Bar Exam ay dalawang pari rin ang nakapasa.
Kinilala ang mga ito na sina Fr. Romeo Dawaton ng Apostolic Vicariate ng Tabuk at Fr. Efren Bugayong ng Imus diocese.