-- Advertisements --

Kinumpirma ng Konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong na ligtas na ang dalawang Overseas Filipino Workers (OFW) na unang naiulat na nawawala.

Sinabi ng Migrant Workers Office na nakabalik na sa kanilang employers ang dalawa matapos na sila ay naghike.

Huling nakita kasi sina Imee Mahilum Pabuaya, 23-anyos at Aleli Perez Tibay, 33-anyos noong Oktubre 4 sa Tsuen Wan District.

Una rito ay humingi ng tulong sa konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong ang kaanak ng dalawa matapos na iulat ng kanilang employer na hindi na sila nakita.