BUTUAN CITY – Dalawang mga hideouts ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nakubkob ng mga tauhan ng 402nd ‘Stingers’ Brigade Philippine Army matapos ang sunod-sunod na pursuit operations na inilunsad sa two-third na area ng Caraga Region kung saan nag-o-operate ang mga rebelde.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Major Francisco Garello – Civil Military Operations (CMO) officer ng nasabing brigada, ang unang hideout ay nadiskubre sa Brgy. Bangunay, Jabonga, Agusan del Norte na kayang makaka-accomodate ng 60 katao.

Samantala ang ikalawang hideout na nadiskubre naman sa Sitio Inadan, Brgy. Magroyong, San Miguel, Surigao del Sur ay kayang makaka-accomodate ng 20 katao.

Naatunton ng kanilang ground troops ang nasabing mga hideouts base na rin sa tips ng mga taong nakakakilala sa kanila kaung kaya’ malaki ang pasasalamat ni Major Garello sa kanilang kooperasyon.