Reading Time: 1 minute

CEBU CITY – Aabot sa P3.4 million worth of shabu ang nakumpiska ng City Intelligence Branch (CIB) ng CCPO sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Lahug, lungsod ng Cebu.

Arestado naman ang isang ex-convict na kinilalang si John Josef Galumba, 32, at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Major Randy Caballes ng Cebu police, bagong laya lamang ang nasabing suspek.

Nakuha mula rito ang shabu na may bigat na kalahating kilo.

Samantala pinaghahanap naman ngayon ang dalawa sa anim na mga drug personality na nakatakas sa isinagawang buy bust operation sa Purol Kumpang, Brgy. Pangpang sa bayan ng Cordova sa probinsya ng Cebu.

Kinilala ang tumakas na si Loel Pakalyoga, itinuturing na high value target (HVT) at isang hindi pa nakikilalang suspek.

Una rito, humantong sa shootout ang operasyon na siyang ikinamatay naman dalawang subject na sina Arbis Arbillion, isang ring HVT at Arnel Makan, 51, na ang kategorya ay sa street level.

Huli naman sina Jerlyn Persilo, 29, at si Goerge Makan, 49, na isa namang drug user.

Nakuha mula rito ang limang medium sized pack na shabu at mga armas.

Nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa batas sa iligal na droga ang mga nahuli.