Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang isang grupo ng mga Taiwanese na umano’y sangkot sa scamming activities sa Cebu City.
Ayon sa NBI, ito ay binubuo ng 16 kalalakihan at isang babae habang naaresto ang mga ito sa isang subdivision sa naturang lugar.
Batay sa datos ng NBI, walo sa mga naarestong banyaga ay may kinakaharap na kaso at may warrant or arrest mula sa kani-kanilang bansa .
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, lumabas na kapwa nila Taiwanese ang binibiktima ng grupo.
Ayon kay NBI-Special Task Force Agent Ranier dela Cruz, maaaring kabilang ang grupo nito sa Four Seas Gang na isang criminal group na nakabase sa Taiwan.
Sa isinagawang operasyon ay nakuha ng mga otoridad ang 17 computers, 23 mobile phones, at dalawang crypto wallets.
Ikinatuwa naman ni Taiwan police attaché Matt Shen ang pagkakaaresto sa mga suspect at pinasalamatan ang pamunuan ng NBI.