Tuluyan ng hindi papapasukin sa Israel ang dalawang mambabatas ng US.

Kasunod ito sa pahayag ni US President Donald Trump na pagbawalang makapasok sina Minnesota Representative Ilhan Omar at Michigan Rep. Rashida Tlaib.

Ilhan Omar
Representative Ilhan Omar/ IG post

Ang dalawang mambabatas kasi ay sumuporta sa pag-boycott sa Israel.

Bilang kilalang malapit na kaibigan ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu si Trump ay nag-Tweet ito na maaaring magpakita ng kahinaan sa Israel sakaling payagang makadalaw sa kanila ang dalawang mambabatas.

Makailang beses na ring binatikos ng dalawang mambabatas si Trump dahil sa pagiging racist nito.

Rashida Tlaib
Rashida Tlaib./ IG post

Nakatakda sana bumisita ang dalawang mambabatas sa darating na Linggo sa ilang lugar sa bansa gaya ng sa Bethlehem, Ramallah at Hebron.