Cebu City
-- Advertisements --

STAR CEBU -Pinaghahanap pa sa ngayon ang isa sa dalawang kalalakihan na nangingisda matapos matagpuan ng walang buhay ang kapatid nito sa Brgy. Guiwanon, Ginatilan Cebu.

Natagpuan nitong alas 7 ng umaga ang 28 anyos na si Esil Kadusale na wala ng buhay.

Ayon pa sa ina nitong si Sarah Kadusale, umalis ang magkapatid pasado alas 8 kagabi upang mangisda ngunit alas 10 na lang ay hindi pa ito umuwi dahilan ng kanyang pag-aalala.

Dahil dito, sinubukan niyang puntahan at hinanap ang dalawa ngunit bigo ito.

Nirespondehan ito nitong umaga at sinisid ang 40-50 metros na lalim ng dagat at doon na natagpuan ang namatay.

-- Advertisement --