-- Advertisements --

Hinoldap ng tatlong kalalakihan ang isang Transportation Network Vehicle (TNVS) sa lungsod ng Pasay.

Ayon sa driver na si Renato Adviento, may pasahero siyang dalawang Koreano.

Pagdating sa Buendia flyover sa Pasay City ay hinarang sila ng isang Sedan car pasado ala-1:00 ng madaling araw kanina.

Dito ay tinutukan sila ng baril at kinuha ang mga gamit ng mga biktima na aabot sa P100,000.

Binasag pa ng mga suspek ang bintana ng sasakyan at mabilis silang tumakas.