Iginiit ng Philippine National Police na wala silang nakitang verified threats laban sa kay Vice President Sara Duterte o kahit sa kanyang pamilya. Ito ay matapos na sabihin nito noong Sabado na siya nangangamba para sa kanyang kaligtasan.
“I do not feel safe at all, kahit anong gawin ko,”. Ito ang naging pahayag ng bise presidente nang personal siyang magsadya sa Regional Trial Court sa Quezon City kahapon, araw ng Sabado, September 5, nang magpiyansa siya para sa 3 counts sa kasong grave threats.
Sa isang statement na inilabas kahapon ni chief PGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., hindi pa umano sumasadya o nagrereport si Vice President Sara Duterte sa tanggapan ng PNP nang kahit anong banta sa kanyang buhay maging sa kanyang pamilya, kasama na ang sinasabi nitong threats noong 2023.
Ayon pa sa PNP na sila ay nakapagbigay ng sapat na security assistance sa bise presidente noong ito ay nasa Quezon City Regional Trial Court. Dagdag pa ni Nartatez ligtas ring nakaalis si Vice President sa korte matapos niyang magpost ng kanyang P120,000 bail sa bawat bilang ng kanyang kaso.
“In the performance of their duties, police personnel are expected to faithfully comply with the law, observe existing policies and procedures, and carry out their responsibilities professionally and lawfully.” – PGEN JOSE MELENCIO C. NARTATEZ, JR.
Chief, Philippine National Police
















