-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng Philippine National Police (PNP) na wala pa silang natatanggap ng anumang impormasyon na mayroong banta sa buhay laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr, na binabantayan nila ang sitwasyon matapos na banggitin ng Bise Presidente na natatakot siya sa kaniyang buhay at maging ang buhay ng pamilya niya.

Dagdag pa ng PNP chief na wala silang anumang record na nagpatala sa anumang himpilan ng pulisya ang Bise Presidente ukol sa sinasabi niyang banta sa buhay nito.

Wala din aniyang namonitor ang PNP ng anumang lehitimong pananakot na maaring magdulot sa panganib sa buhay ng Bise Presidente o maging ang pamilya nito.

Tiniyak naman ni Nartatez na bukas sila sa pagtanggap ng anumang ulat ng pagbabanta na maaring ito ay sa pamamagitan ng dokumento o pahayag para kanilang imbestigahan.

Tinitiyak din ng PNP na kanilang nirerespeto ang karapatan ng sinuman naghahayag ng kanilang kaligtasan at ang pagtrato sa kanila subalit mahalaga na magkaroon ng tamang beripikasyon para sa tamang impormasyon.

Sa katunayan ayon kay PNP na mayroong mga tumulong na mga kapulisan kay Duterte noong ito ay naghain ng piyansa sa Quezon City Regional Trial Court nitong Sabado dahil sa three counts of grave threats at ligtas namang nakarating ang Bise Presidente sa korte.

Magugunitang nag-alanganin ang Bise Presidente na pumasok sa QC RTC ganun magpasama sa mga kapulisan dahil sa banta umano sa buhay niya.

Kaniyang itinatala ang bawat pagbabanta at harassment na isinasagawa sa kaniya mula noong tatlong taon na ang nakakaraan.

Nagbunsod ang kaso mula sa pahayag ng Bise Presidente sa online press conference noong 2024 kung saan mayroong itong inutusan na paslangin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, First Lady Liza Marcos at dating Speaker Martin Romualdez kung sakaling siya ay patayin.