-- Advertisements --

Nagtala ng record sa kasaysayan ng Emmy Awards ang Welsh actor na si Matthew Rhys.

Ito ay matapos na magwagi ng dalawang lead acting prize sa loob ng isang gabi.

Unang naiuwi nito ang lead actor award sa pelikulang “The Beast in Me” at lead comedy actor sa “Widow’s Bay”.

Siya ang unang aktor na nagkamit ng dalawang award sa 78 taon ng Emmy Awards.

Noon kasi ay mayroong dalawang performers ang nagwagi ng dalawang acting Emmys sa isang gabi pero hindi sa parehas na lead actor.

Nakuha noong 1991 ni James Earl Jones ang lead drama actor award sa pelikulang “Gabriel’s Fire” at supporting actor naman sa pelikulang “Heat Wave”.