-- Advertisements --

Pumanaw na ang Hollywood actress na si Catherine O’Hara sa edad na 71.

Hindi na binanggit pa ng kampo ng aktres ang sanhi ng kamatayan nito.

Nakilala ang aktres sa pagganap bilang ina ni Macaulay Culkins sa pelikulang “Home Alone”.

Lumabas din ito sa TV episode ng “Schitt’s Creek.”.

Huling proyekto nito ay ang “The Studio” kung saan nagwagi ito ng Emmy nomination.

Nagwagi ito ng Emmy Awards sa “Schitt’s Creek” noong 2020.

Isinilang sa Toronto na siyang pang-anim sa pitong magkakapatid.

Nakilala niya ang asawang si Bo Welch na isang production designer sa set ng “Beetlejuice” noong 1988.

Taong 1992 ng ikinasal sila at nabiyayan sila ng dalawang anak na lalaki na sina Matthew at Luke.