-- Advertisements --

Ipinunto ni Atty. Lorna Kapunan, counsel for the prosecutors, na may karapatan si Vice President Sara Duterte na I-waive ang ilang constitutional rights at boluntaryong humarap at tumestigo sa impeachment trial.

Bilang halimbawa, binanggit ni kapunan ang ginawa noon ni dating Chief Justice Renato Corona, na kusang-loob na tumestigo sa sarili niyang impeachment trial dahil naniniwala siyang inosente siya sa mga alegasyon laban sa kanya.

Ayon kay Kapunan, ginamit din ni Corona ang pagkakataong iyon upang ipaliwanag ang kaniyang statement of assets, liabilities and net worth o SALN at linawin na hindi umano “Unexplained wealth” ang yaman ng kaniyang pamilya.