-- Advertisements --

Patay ang apat na katao matapos ang naganap na sunog sa isang condominium apartment sa Barangay Toro, Quezon City.

Ang mga biktima ay magkakamag-anak kung saan dalawa sa mga dito ay senior citizen,isang menor-de-edad kasama ang ina nito.

Sugatan din sa insidente ang isang indibidwal na itinakbo agad ito sa pagamutan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dahil sa naiwang naka-charge ang electric scooter kaya ito ay na-overcharge.

Mabilis na kumalat ang apoy sa unang palapag na gusali kaya hindi na agad nakalabas pa ang mga biktima.