-- Advertisements --
Mananatili pa rin sa kaniyang puwesto si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III.
Sinabi ni MMDA chairperson Romando Artes, na gumugulong na ang imbestigasyon laban kay Torre dahil sa pagdaan ng kaniyang sasakyan sa EDSA Busway.
Dagdag pa ni Artes na inamin sa kaniya ni Torre na pag-aari niya ang nasabing sasakyan.
Hindi na man din matiyak ni Artes kung nasa loob ng kaniyang sasakyan si Torre.
Paglilinaw ni Artes na hindi maapektuhan ang trabaho ni Torre sa MMDA.
Una ng sinabi ng Land Transportation Office (LTO) na ang MMDA patrol na sasakyan na sangkot sa insidente ay isinurender ni Torre matapos na mabigyan ng show-cause order dahil sa pagdaan sa EDSA busway.















