Kinumpirma ngayon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na alam nila ang kinaroroonan ni Vice President Sara Duterte subalit pinili nila huwag ipilit ang pagsilbi ng warrant of arrest.
Sinabi ng kalihim na hindi naging maganda na ang lahat ng mga pressure at stress na nararanasan ngayon ng Bise Presidente ay siyang nakakaapekto sa pananaw nito.
Dagdag pa nito nirespeto ng Philippine National Police (PNP) ang posisyon ng Bise Presidente.
Mayroong surveillance ang PNP sa kaniya mula ng mailabas ang warrant of arrest ng Bise Presidente hanggang sa ito ay magkapagbayad ng kaniyang piyansa.
Paliwanag nito na matapos na maglabas ang Quezon City Regional Trial Court ng warrant of arrest kay Bise Presidente ay hindi nila ipinilit na ito ay ipatupad.
Dokumentado umano ang bawat galaw nila gamit ang body camera mula ng ilabas ang warrant of arrest hanggang makapagpiyansa ito.
Magugunitang inihayag ni VP Duterte na wala itong tiwala sa PNP at sa RTC dahil sa may mga banta ito sa buhay.
Nagbunsod ang kaso sa kaniya dahil sa pahayag nito sa isang online press conference na mayroon itong nakuhang tao na papatay kina President Ferdinand Marcos Jr , First Lady Liza Marcos at dating Martin Romualdez kapag siya ay napatay.
















