-- Advertisements --

Nanawagan ang Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa mga mambabatas ng pag-amyenda ng SIM Card Registration Act.

Ayon kay PNP-ACG director Maj. Gen. Wilson Casil Asueta, na karamihan pa rin sa mga kaso ng cybercrime sa bansa ay sangkot ang subscriber identity modules o SIM cards.

Hindi kasi epektibo ang nasabing batas kaya mahalaga na magpasa ang mga mambabatas ng mas mabigat na bersyon ng nasabing batas.

Ilan sa mga inihalimbawa ng police official na kinasasangkutan na gamit ang SIM cards ay ang scamming, online gambling at identity exploitation.

Sa kasalukuyang batas aniya ay nahihirapan silang imonitor ito dahil sa maraming mga kulang sa probisyon kasama ang SIM Card Registration Act.

Ilan sa mga isinusulong ng PNP-ACG ay ang identity authentication at activation ng SIM cards only matapos ang authentication at registration.

Magugunitang pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang SIM Card Registration Act o ang Republic Act 11934 na nagbibigay ng pananagutan ang mga paggamit ng SIM Cards sa krimen at makakatulong sa mga otoridad na mabilis na matukoy ang mga gumagawa ng krimen.