Upang mas mapabilis ang pag-usad ng trial, nag-offer si Atty. Michael Poa na ipaliwanag na lamang ang aniya’y nais malaman at ipinupunto ni Atty. Jay Tolosa habang nasa siya ng kasagsagan ng direct examination.
Pinag-uusapan ng dalawa ang tungkol sa rate of success ng mga proyekto ng Department of Education na ginamitan ng confidential funds.
Pinayagan naman ni Trial Presiding Officer Chiz Escudero si Poa na magpaliwanag. Ayon kay Poa, hindi kailangang may corelation ang success o tagumpay ng isang proyekto sa ipinagkakaloob na confidential funds.
Sinundan naman ito ni Atty. Tolosa ng tanong na ibig sabihin ba ni Atty. Poa na kahit wala pang proof of success ang isang proyekto, pwede nang bayaran ng reward ang isang informant?
Sa pagpresenta ng House panel kay Atty. Michael Poa bilang testigo, tinanong ni counsel for the prosecution, Atty. Benjamin Tolosa Jr. si Atty. Shiela Sison kung pabor ba ang defense team na tawagin si Atty. Poa bilang ‘experienced and highly competent counsel’.
Hindi naman ito kaagad sinagot ni Atty. Sison at sa halip ay tinanong si Atty. Tolosa kung nais ba nilang gawin si Poa bilang expert witness, sa halip na ituloy ang nauna nilang kahilingan na maideklara si Poa bilang hostile witness.
Sinagot naman ito ni Tolosa na hindi maaaring diktahan ng Defense team ang mga prosecutor sa kung paano nila nais ipresenta ang kanilang sariling testigo.















