CENTRAL MINDANAO-Tadtad ng bala ang dalawa katao nang matagpuan at wala ng buhay sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga nasawi na sina Norodin Datukali,24 anyos,residente ng Brgy Pagagawan Datu Montawal Maguindanao at si Jubani Alon,19 anyos na residente ng Brgy Nunguan Pikit North Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa Sitio Tenuy, Brgy. Sibuto Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Sa pahayag ng pamilya ng mga biktima na kapwa may dalang motorsiklo ang dalawang binata.

Posibling ninakaw ang kanilang motorsiklo pagkatapos ay pinatay ang mga biktima.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat PNP sa naturang pangyayari.