LAOAG CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon matapos matapos basta na lamang itinapon sa tabing-ilog sa Barangay Zamboanga sa lungsod ng Laoag ang dalawang inahing baboy.
Una rito, sinabi ni Brgy. Chairman Elmer Lorenzo sa naturang barangay na may natanggap siyang impormasyon mula sa isang concern citizen na may itinapong baboy.
Inihayag nito na dahil sa takot sa African dwine fever (ASF) ay agad niya itong ipinaalam sa City Health Office.
Agad ring inilibing ang mga baboy at isinagawa ang disinfection sa mismong lugar kahit malayo umano ito sa mga bahay.
Sa pag-iimbestiga naman ni Lorenzo, nakita ng caretaker ng quarry area na malapit sa lugar na sa oras ng alas-tres ng madaling araw ay may isang truck na pumunta at posible umanong ito ang nagtapon sa mga baboy.
Sa pagrebisa naman ng CCTV, tugma ang sinabi ng caretaker dahil may truck na pabalik-palik sa lugar at ito ay pagmamay-ari ng residente sa kanilang barangay.