CENTRAL MINDANAO- Dalawang drug suspects ang nahuli ng mga otoridad sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang mga suspek na sina Nasser Undong Karim at Nurodin Kansi Sinsuat Jr,mga residente ng Sitio Tinago Barangay Tamontaka Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnold Santiago na naglunsad ng anti-drug operation ang pinagsanib na pwersa ng PNP Regional Mobile Force Company , Datu Odin Sinsuat MPS at PDEA-BARMM sa tahanan ng mga suspek.

Nasamsam ng mga otoridad ang sampung malalaking pakete ng shabu at mga drug paraphernalia.

Sinabi ni PDEA-BARMM Regional Director Juvenal Azurin na sangkot sa large scale drug operation sa Maguindanao at Cotabato City ang mga suspek.

Ang mga suspek ay nakapiit na sa costudial facility ng PDEA-BARMM sa Cotabato City at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.