Bakwit P3
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagsilikas ang mga sibilyan sa engkwentro ng dalawang armadong pamilya sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa ulat ng Pikit PNP, na nagkasagupa ang pamilya Mangimas at Talusob sa hangganan ng Barangay Nabundas, Pikit Cotabato at Brgy Layog, Pagalungan, Maguindanao.

Ang dalawang pamilya ay mga kasapi ng 129th Base Command at 105th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Agad namang namagitan sina Pikit Mayor Sumulong Sultan at Pagalungan Mayor Salik Mamasabulod, katuwang ang militar at pulisya kung saan humupa ang bakbakan.

Isa ang napaulat na nasugatan sa engkwentro at maraming sibilyan ang lumikas.

-- Advertisement --

Ang dalawang pamilya ay may matagal ng alitan sa lupa na kanilang sinasaka.

Nakatakdang pulungin ng LGU-Pikit, Pagalungan, MILF, AFP at PNP ang dalawang grupo para muli silang magkaayos tungo sa mapayapa at maunlad na komunidad.