Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na kasali sa mga bagong kaso ng nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang repatriates ng Diamond Princess cruise ship na naka-quarantine sa New Clark City (NCC).

Sa isang press briefing, tinukoy ni Health Asec. Maria Rosario Vergeire na “asymptomatic” ang dalawang lalaki na 31-anyos at 34-anyos.

Sila na ngayon ang Cases number 23 at 24.

Sa ngayon vina-validate pa ng DOH ang impormasyon na walang sinyales ng respiratory illness ang dalawa.

Bukas, March 11, nakatakda ang send-off sa higit 400 repatriates na nasa Athlete’s Village sa NCC.

-- Advertisement --

Tumanggi magbigay ng detalye si Asec. Vergeire kaugnay ng nasabing aktibidad dahil confidential umano ito.